Paano malalaman ng isang ordinaryong Filipino na may pag aari siya ng bitcoin?
Discussion
Unang-una, kailangan mo ng Bitcoin wallet. Ito yung parang virtual na wallet mo kung saan itinatago ang iyong mga bitcoins.
Kapag may Bitcoin ka na, makikita mo yun sa balance ng iyong Bitcoin wallet. Parang online banking lang - makikita mo kung magkano ang laman.
At kapag ginusto mong gastusin o ipadala ang iyong Bitcoins, gagamitin mo rin itong wallet para mag-transact.
So in short, pag may Bitcoin ka at nasa tamang Bitcoin wallet ito - ikaw ay may-ari na ng bitcoin!
Di ba kailangan ang suporta ng gobyerno lalu na dito sa Pilipinas upang mapag-aralan malaman,maintindihan,mabigyan ng edukasyon ang mga ordinaryong Filipino at may pagka gamitan ang Bitcoin?
Halimbawa,meron akong resibo ng bitcoin at kasama ang amount/txid/timestamps nito,at kaya koring i provide ang digital signatures nito,nangangahulugan ba na akin ang bitcoin?