Pag-aayos ng mga address (ng Bitcoin nodes)
Paano inaayos ang bultong (IP) address na natatanggap ng isang node? Ang protocol ay gumagamit ng stochastic address manager, kung saan random ang pagposisyon at pagpili ng mga kokonektahang IP address sa memorya ng kompyuter. Ang buong talaan ng address ay inilalagay sa peers.dat kada 5 minuto. Ang address manager na ito ay layunin ding maiwasang mapuno ng masasamang nodes.
Ang mga IP addresses ay inilalagay sa mga balde (buckets) na hanggang 64 ang kayang itago.
> “new” - balde sa memorya na may mga address na hindi pa nakokonektahan
> “tried” - balde sa memorya na may mga address na subok na ang koneksyon
Mayroong 1024 na baldeng new, kung saan twing namimili ang node, 64 na balde ang kukunin nang random, bago pa piliin ang baldeng paglalagyan o susubukang hanapan ng ibang node na kokonektahan. Samantala, may 256 tried na mga balde, kung saan twing namimili ang node, 8 balde ang kukunin nang random, bago pa piliin ang baldeng paglalagyan ng ibang node, o papanatilihan ng koneksyon. Ang isang new address ay maaaring mapabilang sa hanggang 8 balde, samantalang 1 beses lang pwede makita sa tried. Cryptographic hashing ang basehan ng pagpili ng balde.
Ipagpatuloy ang pagbasa at tignan ang ilustrasyon sa: https://bitcoinbakamo.xyz/archives/863