Gossip Protocol - panimula
Ang gossip protocol ay ang pagpapasa ng impormasyon sa peer-to-peer network na halintulad sa pakikipagtsismisan. Tinatawag din itong epidemic protocol dahil sa pagkakahalintulad sa pagkalat ng sakit. Ang may hawak ng impormasyon ay magpapasa sa isa o higit pang nodes, at mananatiling may hawak ng impormasyon (o infected). Tapos uulitin ang pagpasa ng lahat ng nahawaan ng impormasyon patungo sa iba hanggang lahat ay meron na. Ang gossip protocol ay matatag sa harap ng mga pagsubok na maaaring harapin ng network.
Basahin ang panimulang diskusyon dito: https://bitcoinbakamo.xyz/archives/786