Digital Signatures (Digital na Lagda)

Gamit ang kaalaman natin sa public key cryptography at hash functions, maiging pag-usapan na ang digital signatures.

Ang digital signature ay isang numero na nakuha mula sa private key at sa laman ng mensaheng pinipirmahan. Kumbaga, ginamit ang mga katumbas na numero ng private key at mensahe sa kalkulasyon para makuha ang digital signature. Dahil sangkap ang mensahe, ang digital signature ay iba-iba ang halaga sa bawat mensahe. At sa paggamit ng private key, markado ang mensahe ng orihinal na may-ari.

Ang RSA ay maaaring gamitin direkta kung saan ang mensahe ay nakapaloob na rin sa digital signature. Pero lalaktawan natin iyon para mailarawan ang gamit ng hash function sa kombinasyon ng RSA.

Makikita sa ilutsrasyon sa bagong post ang prosesong sumusunod sa PKCS#1. Ang PKCS ay Public-key Cryptography Standards at ang #1 ay ang seksyon nito na naglalatag ng RSA Encryption Standard.

Ipagpatuloy sa bagong blog post: https://bitcoinbakamo.xyz/archives/429

Reply to this note

Please Login to reply.

Discussion

Ang hirap naman intindihin...

Pero salamat parin...

Haha, mahigit 1 taon akong naglaan ng oras para pag-aralan ang Cryptography at maisulat ang kabanata na iyon. Kaya naiintindihan kita :D

Ano ang longgest chain kaibigan,at maari mo ba itong ipaliwanag ng simple lang o kung maari magbigay ng mga halimbawa na maaring ihalintulad sa ginagamit nating sa pang-araw araw nating buhay o nakasanayan?

Nabasa mo na ba ito? Madali intindihin ang explanation nya: https://learnmeabitcoin.com/technical/longest-chain

Do bitcoin digital signatures requires messages to be valid/verified?