Panimulang Pagsiyasat sa Tipikal na Transaksyon

Sa bagong post na ito, nanghiram uli ng ilustrasyon sa block explorer para sa 2 halimbawang blocks 170 at 777777.

https://bitcoinbakamo.xyz/archives/664

Makikita na may input at output parehas. Sa kaso ng block 170, walang address na pinapakita, dahil P2PK ang output. Nakandado sa public key mismo ang Bitcoin. Ang unang output ay #0, na nagsasaad ng pagkandado ng 10 Bitcoin sa public key ng receiver. Ang ikalawa ay #1 na nagkandado ng 40 Bitcoin sa public key ng sender (sukli). Subalit may mga wallet na gagawan pa rin ng interpretasyon na address ang mga iyan. Susundin lang ang nabanggit sa Kabanata 4 na encoding para sa legacy address. Pero mas tamang hindi binigyan ng interpretasyong address sa blockstream.info.

Lipat naman ng tingin sa isang napiling transaksyon sa block 777777. Makikita na mas maraming nasasaad sa input, mas komplikado, na pag-uusapan natin sa susunod. Sa output naman, dalawang klase ng pagkandado ng Bitcoin ang naganap. Sa receiver, ang Bitcoin ay nakandado sa kanyang public key hash, isang P2PKH, kaya ang address ay legacy ang anyo (nag-uumpisa sa 1). Ang sukli naman ng sender ay nakandado sa kanyang witness script hash, isang P2WSH kaya mas makabago ang anyo (bc1).

Sa mga ilustrasyon ng wallet at ng block explorer, matutukoy ang pinanggalingan at pinagpasahang mga address. Syempre kita mo rin kung magkano ang binigay at natanggap. Makikita rin kung saang block ito nakasama at kailan.

Subalit alam mo ba na sa loob ng code, ay hindi ganito ang mababasa mo?

Reply to this note

Please Login to reply.

Discussion

No replies yet.