Pagdudugtong ng Blocks

Ang block hash ay double-SHA256 ng block header, at ginagamit na pamberipika ng mga nodes sa isang block. Ang isang node ay maaaring magtago o mag-index ng mga block hash sa disk nito, para madaling mahanap ang isang block. Sa blockchain kasi, ang block hash ay maitatago roon kapag naisama na sa block header ng susunod na block bilang: previous block hash. Ang previous block hash ang sangkap ng block header na syang nagkokonekta sa mga blocks para makabuo ng chain.

Bawat block ay may bahid ng nakaraang block. Kapag susundan ang bawat bahid pabalik, matutunton ang pinakauna o genesis block (block 0).

Ilustrasyon: https://bitcoinbakamo.xyz/archives/920

Sa mga bagong blocks na idinudugtong, hindi pa agad tiyak ang ayos blockchain. Pag-usapan natin iyan sa susunod.

Reply to this note

Please Login to reply.

Discussion

No replies yet.