Identipikasyon ng Block: Block Header

Ang nakuhang Merkle root, ay kasama sa mga data na inilalagay sa Block Header. Ito ang metadata na nagsasalarawan ng laman ng block. Ang mga laman ng block header ay:

Version

Previous block hash - double-SHA256 ng nakaraang block header

Merkle root

Timestamp - Unix epoch time nung nabuo ang block

Target - tumutukoy sa proof-of-work target nung ginawa ang block na ito

Nonce - “number used only once” - pinkahuling arbitraryong data na nagresulta sa pagkamit ng proof-of-work target

Laman ng block header: https://bitcoinbakamo.xyz/archives/906

Kaya ang mga lightweight/SPV clients ng Bitcoin network tulad ng wallets ay nakakakumpirma ng transaksyon na kailangan nitong ipaalam sa user. Malalaman nito gamit ang block headers kung pinakamahabang chain ang nakuha nitong impormasyon. Kapag kumbinsido na ito, kailangan lang alamin ng SPV client ang Merkle branch ng transaksyon para makumpirma na naisama ito sa isang block. Kaya nakakatulong rin na ipinapakita ng wallet software sa user kapag nakailang kumpirmasyon na ang transaksyon.

Reply to this note

Please Login to reply.

Discussion

No replies yet.