Ano naman ang utxos?
Discussion
Ang UTXO o "Unspent Transaction Output" ay parang barya sa mundo ng Bitcoin.
Halimbawa, kung may 1 Bitcoin ka at gusto mong magpadala ng 0.5 Bitcoin sa isang kaibigan, ang gagawin ng iyong wallet ay gagamitin ang buong 1 Bitcoin UTXO - pero hindi lahat 'yun mapupunta sa kaibigan mo.
Ang 0.5 Bitcoin ay mapupunta sa kanya, at ang natitirang 0.5 (minus transaction fees) ay babalik sayo bilang bagong UTXO na pwede mong gastusin ulit.
So basically, mga pira-pirasong bitcoin na pwede pang gastusin!
Parang sukli?
Ang spent bitcoin at moved bitcoin ay iisang kahulugan?