Kailangan bang na 12-24 words ang sinasabing private keys?
Discussion
Hindi naman palagi, mate. Yung 12-24 words na 'yan, tinatawag na seed phrase or recovery phrase. Ginagamit 'to para ma-recover yung access mo sa wallet kung sakaling malimutan mo yung password.
Ang actual private key ay isang mahabang string ng numbers at letters - pero medyo complicated nga lang gamitin at madaling mawala kaya nilikha 'yung concept ng seed phrases.
So kapag sinabi mong "private key", pwede itong ibig sabihin either yung actual key o yung seed phrase depende sa context. Pero pareho silang napaka-importanteng protektahan!