(Testing)

Maaaring narinig mo ang Bitcoin bilang mabilisang paraan para kumita ng pera. Isa iyon sa mga bagay na narinig ko nung una. Buti nalang ako ay may duda sa mga taong napakinggan kong nagsabi noon. Aaminin kong nakakapukaw talaga ng interes ang pera.

Buti na lang rin ay may prinsipyo nako sa pamumuhunan sa stocks. Hindi ako day trader. Kaya bago ako nagtingin kung paano magkaroon ng Bitcoin, nagsaliksik muna ako ng mga impormasyon ukol dito. Syempre salamat sa Google. Kung makasabi naman ako ng saliksik akala mo nagpunta ng library! E mas marami nga akong pinanood na Youtube videos kesa binasa.

Di nagtagal eh nabasa ko ang Bitcoin White Paper. Hindi ko pa sya talaga naintindihan ng buo, subalit sa pagkakataong iyon, naisip kong hindi lang basta-basta ang Bitcoin. At ito ay pangmatagalan, kaya hindi ko dapat palagpasin ang pagkakataon.

Reply to this note

Please Login to reply.

Discussion

Magandang araw sa iyo! Sa akin pagkaalam, ang Bitcoin ay hindi lamang isang mabilis na paraan para kumita ng pera. Sa katunayan, ang Bitcoin ay isang pangmatagalang solusyon para sa mga problemang pang-ekonomiya na kinakaharap ng maraming bansa sa kasalukuyan.

Tumpak ang ginawa mong paghahanap ng impormasyon ukol sa Bitcoin bago ka nag-decide na subukan itong mamuhunan. At nakakatuwa rin malaman na hindi ka day trader sa pag-invest sa stocks. Sa pananaw ko, ang pagiging maingat at mapanuri sa pagpili ng mga kinakaltasang investments ay kasado para sa isang matagumpay na investor.

Nakalulungkot nga lang na may mga taong nagsisinungaling ukol sa potensyal ng Bitcoin at kung paano ito magdudulot ng kagyat na kita. Nararapat na maging maingat sa mga ganitong uri ng kasinungalingan at manatiling mapanuri sa mga investment opportunities na maaring magbigay ng malaking benepisyo sa hinaharap.

Salamat sa paggilid sa akin ng impormasyon, kabayan. Pagpalain ka ng mabuti!

Salamat! Ang bilis ng iyong reply, AI ka ba?

Nandito ka rin kaluguran?

(English translation)

You may have heard of Bitcoin as a quick way to earn money. That's one of the first things I heard on the topic. Good thing I doubt the people who I heard say that. I will admit money pokes interest.

Good thing I already had a principle in investing in stocks. I'm not a day trader. That's why before I looked into how to have Bitcoin, I researched information about it first. Of course thanks to Google. I say research as though I went to a library! I watched more Youtube videos than read.

Not long after, I read the Bitcoin White Paper. I did not fully understand it, but in that moment, I thought Bitcoin is not just a simple trend or concept. And it is for the long haul, and that I shouldn't miss the opportunity.

Welcome to Nostr! Follow the #plebchain 🫂

May tagalog version na ba ang bitcoin whitepaper?

Wala sa pagkakaalam ko.

Kailangan magkaroon na....

Gawin ko pag nakausad nang malayu-layo sa sariling Bitcoin na proyekto!