Transaksyon sa Bitcoin - Pasilip
Ang pinakaunang transaksyon sa bitcoin network, ay ang pagbuo ng unang mga bitcoin (unang pagmimina). Lahat ng bagong bitcoin ay nabubuo sa isang espesyal na transaksyon na tinatawag na coinbase transaction. Ipapaliwanag pa natin ito sa mga susunod na kabanata.
Bukod sa coinbase transaction, lahat ng pasahang nagaganap ay mga normal na transaksyon. At ang transaksyong nakasaad na para sayo ang pinakamahalaga, dahil iyon ang bitcoin mo. Napaliwanag na sa naunang post na nananatiling nasa blockchain lang ang bitcoin. Pinagpapasa-pasahan lang ang permiso ng paggastos ng iba-ibang halaga.
Pag magbabayad o mamimigay ka ng bitcoin sa iba, pipirmahan ng iyong private key ang mensahe na nagsasabing pinapasa ang isang halaga ng bitcoin para sa iba. Ito ay gumagamit ng hash (isang mahika ng matematika!) ng: naunang transaksyon + public key ng bagong may-ari. Saka naman ito pipirmahan ng private key mo. Yung kabuuang iyon ang transaksyon. Mapapatunayan ng iba na totoo ang transaksyong ito gamit naman ang iyong public key. Tapos, mapapabilang na ito sa isang block na ipapakalat sa network na idadagdag sa blockchain. Ganito ang nangyari sa mga naunang transaksyon bago makarating sayo.
Nasaan na ang bitcoin address na pinagpasahan mo? Ito ay ginawang representasyon lamang ng digital wallet, para hindi makita ng nagpapasahang mga tao ang public key ng isa’t-isa. (At para na rin maunawaan natin ang nagaganap.)
-----
Ang post na ito kasama ang ilustrasyon ay makikita sa https://bitcoinbakamo.xyz/archives/159
Mag comment lang pag tingin mo ay may maiaambag kang kaalaman at paglilinaw. Kitakits sa ika-21.
Koreksyon lang sa bandang huli:
"Nasaan na ang bitcoin address na pinagpasahan mo? Ito ay ginawang representasyon lamang ng digital wallet, para mas madaling basahin ng isang tao at mabawasan ang pagkakamali sa pagkopya nito. (At para na rin maunawaan natin ang nagaganap.) Dahil sa dagdag na layer na yun, hindi rin nakikita ng nagpapasahang mga tao ang public key ng isa’t-isa."
It's good to understand the origin and evolution of money so we can better choose its future. Then ask:
- How will electronic money be desirable?
- Would you trust the government to create this?
- What type of electronic money will you accept: easy or hard to form? With infinite supply, or capped?
#Bitcoin
Konting Kasaysayan ng Pera
Ang rebolusyong pang agrikultura, na nangyari mahigit 12,000 taon na ang nakalipas ay naging daan upang mag-umpisa ang sibilisasyon. Sa kapasidad ng mga tao magsama-sama, lumaki ng lumaki ang mga komunidad hanggang nabuo ang mga siyudad.
Habang lumalaki ang populasyon, humihirap panatiliin ang barter. Hindi lahat ng produkto o pag-aari mo ay gusto ng iba para ipagpalit ang meron sila na nais mo. Lalo na kung nakikipagpalitan ka sa hindi mo kakilala. Isipin mo, kung napakarami mo nang plato, tatanggapin mo pa ba itong bayad sa iyo? At gaano naman kadali para sa iyo makahanap ng gugustuhin ang plato para sa ibang nais mo, tulad ng pagkain, itak, o tsinelas? Ganun din ang iyong serbisyo. Kung tutulungan mong magtanim ang mga kapitbahay, natural lang na gusto mo rin makihati sa ani. Pero kung tumutulong ka gumawa ng bahay, hindi naman ang makibahay ang gusto mong kapalit, di ba? Di ka naman nila kamag-anak.
Para makapagtulungan ang mas malaking populasyon, kailangan ng isang bagay na gusto o pinahahalagahan ng lahat - kahit di kayo magkakakilala. Ang bagay na ito ay pwedeng ipagpalit sa kahit ano. Sa pangangailangang ito nabuo ang pera.
Ang pera ay imbensyon ng tao. Marami itong naging anyo, at ang konsepto ay may kanya-kanyang pinagmulan sa mga sibilisasyong nakakalat sa mundo. Iba-iba rin ang anyo ng mga sinaunang salapi, depende sa likas na yaman ng lugar.
Ang sumusunod ay mga halimbawa ng pera na ginamit sa kasaysayan:
- Cowry shell - ginamit sa mahigit kumulang 4,000 taon sa Africa at Asya
- Barley - ginamit sa Sumer mga 3,000 BC
- Mina at Shekel - sukat ng pilak na ginamit sa Ebla (sa kasalukuyang Syria), mga 2500 - 2250 BC
- Ginto at Pilak (gold and silver) - sa Ehipto at Mesopotamia mga 3,000 BC ginamit ang mga bareta ng ginto. Sa kalaunan, ginamit ito sa anyo ng coins, kasabayan ng pilak. Hanggang ngayon, ang ginto ay kinikilala pa ring anyo ng pera sa buong mundo. Subalit mas naging investment nalang ito, sapagkat hindi ito madaling ipalipat-lipat tulad ng papel na salapi, at kalaunan elektronikong pera. Ganun din ang pilak, pero nananatiling mas mababa ang halaga nito.
- Piloncitos - maliliit na ukit na butil ng ginto, ginamit sa ilang lugar sa Pilipinas, sa pagitan ng ika-9 at ika-12 siglo.
- Tanso (bronze) - Sa anyo ng maliliit na molde, ginamit ito sa Tsina mga ika-7 hanggang ika-3 siglo BC
- Papel na salapi - ang konsepto ay nagmula sa Tsina na ginamit noong ika-10 hanggang ika-15 siglo. Ang papel na pera ay unang ginamit sa Europa nung ika-17 siglo
Mainam na tignan nating may pera, at may sistema ng pera. Ang sistema ng pera ay napagtitibay dahil sa tiwala ng tao na ang ginagamit na salapi ay maipagpapalit nya sa mga bagay na kailangan nya ngayon o sa hinaharap. Hanggat ang salapi ay kanais-nais, mayroon itong halaga. At kagaya ng law of supply and demand, tumataas ang halaga ng pera kung mas marami ang nagnanais rito, kumpara sa dami nito sa sirkulasyon. Ang sistema naman ay lumalakas habang dumarami ang naniniwala sa halaga, at tumatanggap ng salapi.
Dapat nating tandaan na ang sistema ay maaaring manghina o masira kapag nawala ang pagnanais ng mga tao sa gamit na salapi. Kapag napadali ang produksyon ng pera, na magdudulot ng mataas na bilang nito, mababawasan ang pagkakanais ng mga tao rito. Mababalewala ang halaga nito dahil hindi na ito problemang hanapin. Kumbaga, kapag malaki ang hirap at enerhiyang katumbas ng pagkuha ng pera, mataas ang tsansang maging kanais-nais ito.
Halimbawa, ang tubig ay napakahalaga sa buhay ng tao. Subalit dahil sagana ang planeta natin rito, hindi sya mahal sa merkado. Sa isang banda, ang ginto ay hindi naman nakakain. Palamuti lang ang gamit dito sa libo-libong taon ng kasaysayan ng tao. Nito lamang nagkaroon ng ibang mahalagang gamit ang ginto: sa electronics. Pero dahil mahirap syang makuha, mahal ang presyo nito.
Kumpara sa ginto at pilak, ang papel na salapi ay mas maiksi ang kasaysayan. At may panganib na kalakip ang paggamit nito: ang tukso na mag print ng sobra. Ilang beses nang nagkaroon ng pagbagsak ng halaga ng papel na salapi dahil dito (tinatawag na inflation). Nangyari ito sa Tsina noong ika-15 siglo. Ang Alemanya nung 1923 sa ilalim ng Weimar Republic ay nakaranas ng hyperinflation, o matindi at mabilisang pagbagsak ng halaga ng salapi. Nangyari ito sa Zimbabwe nung 2007 at sa Venezuela kamakailan lang mga 2016-2018.
Ang papel na salapi ay dating mga pangako ng katumbas na ginto o pilak (promissory notes). Pero ngayon, wala na ang pangakong ito. Kumbaga, mandato nalang sya ng mga gobyerno. Pawang sistema na lamang ang naiwan, at hindi ang kanais-nais na salapi. Ito’y mahalagang konsiderasyon sa uri ng perang gagamitin para sa makabagong panahon. Hanggang kailan mo ba kayang pagkatiwalaan ang gobyerno ng bansa mo?
Ang ginto ay nananatiling mataas ang halaga dahil hindi ito sindaling paramihin ng perang papel. At sa dami nang naminang ginto, kaunti nalang ang naidaragdag sa supply nito sa paglipas ng panahon. Kaso nga lang, hindi sya madaling ilipat lipat. Lalo na sa pamantayan ng panahon ngayon, na marami nang napabilis na proseso sa pamumuhay ng tao. Sa tingin mo, ano ang hinaharap ng salapi?
Napasilip nung ika-10 ang pirmahang nagaganap upang mapasa ang Bitcoin. Hanggat hindi mo ito binibigay sa iba, sa iyo ang Bitcoin na iyon. Ang mga bitcoin na hindi pa ginagastos ay tinatawag na “unspent transaction output” (UTXO). Maraming UTXO sa blockchain at yung mga para sayo ang hinahanap ng digital na pitaka para magpakita ng kabuuang bitcoin mo, gaya ng nabanggit sa naunang seksyon. Dahil iba-iba ang pinanggalingan at halaga, bawat UTXO ay kakaiba. At pwede nating sabihin na ang iba-ibang UTXO na nakasaad na para sa address mo, na ang pribadong susi mo lamang ang pwedeng gumastos, ay ang kanya-kanyang anyo ng bitcoin mo.
Sa kontexto ng bitcoin, ayan ang electronic na salapi. Ang hirap nitong intindihin noh? At pawang mahirap tanggapin. Pero baka makatulong kung titignan natin saglit ang kasaysayan ng pera. Pag-usapan natin sa susunod, o basahin mo na ang Kabanata 2 ng aklat.
-----
Kitakits sa ika-10
Transaksyon sa Bitcoin - Pasilip
Ang pinakaunang transaksyon sa bitcoin network, ay ang pagbuo ng unang mga bitcoin (unang pagmimina). Lahat ng bagong bitcoin ay nabubuo sa isang espesyal na transaksyon na tinatawag na coinbase transaction. Ipapaliwanag pa natin ito sa mga susunod na kabanata.
Bukod sa coinbase transaction, lahat ng pasahang nagaganap ay mga normal na transaksyon. At ang transaksyong nakasaad na para sayo ang pinakamahalaga, dahil iyon ang bitcoin mo. Napaliwanag na sa naunang post na nananatiling nasa blockchain lang ang bitcoin. Pinagpapasa-pasahan lang ang permiso ng paggastos ng iba-ibang halaga.
Pag magbabayad o mamimigay ka ng bitcoin sa iba, pipirmahan ng iyong private key ang mensahe na nagsasabing pinapasa ang isang halaga ng bitcoin para sa iba. Ito ay gumagamit ng hash (isang mahika ng matematika!) ng: naunang transaksyon + public key ng bagong may-ari. Saka naman ito pipirmahan ng private key mo. Yung kabuuang iyon ang transaksyon. Mapapatunayan ng iba na totoo ang transaksyong ito gamit naman ang iyong public key. Tapos, mapapabilang na ito sa isang block na ipapakalat sa network na idadagdag sa blockchain. Ganito ang nangyari sa mga naunang transaksyon bago makarating sayo.
Nasaan na ang bitcoin address na pinagpasahan mo? Ito ay ginawang representasyon lamang ng digital wallet, para hindi makita ng nagpapasahang mga tao ang public key ng isa’t-isa. (At para na rin maunawaan natin ang nagaganap.)
-----
Ang post na ito kasama ang ilustrasyon ay makikita sa https://bitcoinbakamo.xyz/archives/159
Mag comment lang pag tingin mo ay may maiaambag kang kaalaman at paglilinaw. Kitakits sa ika-21.
Are we careful with our day-to-day lives?
Bitcoin is the Zero to One moment in Digital Currency/Internet Money.
Digital na Pitaka sa Bitcoin - walang lamang pera?
Sa kontexto ng Bitcoin, ang digital na pitaka (digital wallet) ay application (app) o software sa ibabaw ng network na naglalaman ng mga susi at address. Ang address ang pinapaalam sa iba para tumanggap ng bitcoin, at sya ring nagsasaad kung saan nanggaling. Ang susi naman ang may permiso para gastusin ang nasasaad na bitcoin sa isang address. Ang susi ay nakatago, at hindi mo dapat ibigay sa iba. Parang bahay na may hulugan ng sulat. Pwede itong makatanggap ng sulat, subalit ang may hawak lang ng susi ang pwedeng magbukas sa hulugan para magamit ang laman nito. At kapag may nagnakaw ng susi mo, may ibang pwedeng kumuha ng nilalaman ng hulugan.
Pero hindi lang isang susi ang gamit sa bitcoin.
Ang susi ay nahahati sa 2 klase: private key (pribadong susi) at public key (pampublikong susi). Ang private key ang ginagamit para hanguin ang public key. At ang public key ang ginagamit para gumawa ng bitcoin address. At ang address lamang ang pinapakita ng wallet sa mga user (manggagamit/may-ari/tagatanggap) para mapagpasahan ng bitcoin. Sakabilang banda, ang pampublikong susi ay di nakikita ng user, pero nasisilip ng pitaka mo at ng pitaka ng iba. At ang pribadong susi ay nakatago at alam lamang ng wallet mo, hindi ng iba.
Ang private key ang pumipirma, para bigyan ng permisong magastos ang bitcoin mula sa isang address. Nabanggit kanina na ang public key ay ginagamit para gumawa ng address. Ang isa pang gamit ng public key ay para mapatunayan na ang private key nga ang ginamit para pirmahan ang transaksyon. Sa parehong sitwasyon, hindi nalalaman kung ano ang private key. Hindi na natin muna ipapaliwanag kung pano ito nangyayari. Komplikado ang matematikang gamit dito, parte ng cryptography. Sa ngayon, paniwalaan muna natin na:
Pribadong susi ==> Pampublikong susi ==> Bitcoin address
Kung saan:
==> = Mahika ng matematika! - at sobrang hirap kalkulahin pabalik ito, kaya halos imposible malaman ang public key mula sa bitcoin address, at ang private key mula sa public key.
Pag-uusapan natin ang mahika ng matematika na ito sa kabanata ukol sa kriptograpiya.
Walang lamang bitcoin ang pitaka mo. Subalit para makabuluhan ang gamit nito, ang pitaka mo ay hinahanap ang mga transaksyong nagsasaad na sa address mo huling ipinasa ang bitcoin. Tapos, kinakalkula ng pitaka mo ang kabuuan para ipakita sa harap mo (user interface ng wallet). Ginagawa lang iyon ng pitaka para maintindihan mo na ganun karami ang pwede mong galawin.
Kung ganun, nasaan ang bitcoin? Nasa blockchain.
Digital na Pera - palagay ka ba sa estado nito ngayon?
Sa panahon ngayon, nasasanay na rin naman ang mga tao sa digital na salapi, na parang wala na ring saysay ang mga denominasyon. Basta hangga’t dalawang decimal places ang pwede i-display na numero, dahil ang pinakamaliit na denominasyon ay 1 sentimo (na sa panahon ngayon, ay wala na ring pisikal na kaanyuan sa Pilipinas). Una may mga debit at credit cards na pinapadulas, sinusuot o itatapat nalang sa mga card readers. Malalaman mo nalang sa kompyuter o smart phone mo kung magkano pa laman ng account mo (o mas malala, magkano naging utang mo dahil sa paggamit ng credit card). Dahil sa online banking at e-wallets, kahit hindi na rin gamitin ang mga plastik na cards na yan.
Pero makalimot man tayo, nanatiling representasyon ng pisikal na salapi ang mga numerong nakasaad sa ating account sa bangko. At kung gustuhin natin, dapat ay makukuha ang nasasalat na anyo ng pera mula sa bangko pag nag-withdraw. (Dapat ha, pero ibang usapan pa ang ginagawa ng mga bangko na “fractional reserve.”)
Paano kung ang salapi ay purong electronic? Paano mo pagkakatiwalaan ang numerong nakikita sa iyong digital na pitaka? Maaaring nakaranas ka na ng transaksyon na hindi tumuloy. Kailangan mo pa ireklamo sa bangko para mabalik ang pera mo. At paminsan-minsan nakakarinig pa ng balita ng mga hacking sa bangko.
-----
Ang paksang ito ay napapaloob sa ikalawang kabanata ng https://bitcoinbakamo.xyz/aklat
Magbigay ng komento kung gusto mong makatulong bigyan ng edukasyon ang mga Pinoy ukol sa Bitcoin.
Tala Ukol sa 'Pagmimina' ng Bitcoin
Ang dami ng bagong bitcoin na namimina ay may hangganan. Kulang-kulang dalawampu’t isang (21) milyong bitcoin lamang ang pwedeng mamina bilang insentibo. Sa ngayon, malaking porsyento ng 21 milyon ay namina na. Ito ay dahil dinisenyo ang programa kung saan ang dami ng bagong bitcoin na binubuo ay nangangalahati kada 210,000 blocks (halos 4 na taon). Nagsimula ito sa 50 bitcoin na papremyo kada block. Tapos nangalahati sa 25, tapos 12.5, atbp. At itinakda na animnapu’t apat (64) na beses lamang pwede kalahatiin ang pag-isyu ng bagong bitcoin. Kaya balang araw (sa taong 2140), titigil na ang pagbuo ng bagong bitcoin. Lilipas rin ang ‘pagmimina’. Sa panahong iyon, ang insentibo o premyo ng mga sumasali sa proof-of-work ay mula na lamang sa transaction fees.
----
Mag-ambag ng mga kaalaman sa bitcoinbakamo.xyz
Sa Notrgram.co naman ako hindi makakita ng updated Notes! Maka post kaya ako dito sa Snort?
Ang Galing ng Proof-of-Work
Para mapanatiling bukas at decentralized ang Bitcoin, may kompetisyon ng paghahanap ng solusyon sa isang problemang matematika. Kasama ito sa trabaho na ginagawa bukod sa pag-aayos ng isang block ng mga transaksyon. Kung sino man ang mauna na mapapakalat sa mas nakararami, ang kanyang block ang tatanggapin ng network. At sya rin ang bibigyan ng premyo sa anyo ng bagong bitcoin, at mga fees. Ang prosesong ito ay gumagamit ng enerhiya, na may katumbas na gastos sa kuryente. Ito ang proof-of-work.
Dahil sa insentibo na bagong bitcoin, hinahalintulad ang proof-of-work sa pagmimina, tulad ng ginto. Matrabaho at magastos ang pagmimina ng bagong ginto, diba? Ganun din sa bitcoin, kelangang may trumabaho para dito. Ang boluntaryong pagtratrabaho (na may gastos) para sa pag-asang kumita ng bitcoin ang nagpapanatili ng seguridad ng bitcoin. Kapag mas maraming sumasali sa network, mas tumataas ang seguridad.
Sa pagtaas rin ng seguridad, ay humihirap ang problemang matematika. Kapag may karagdagang sumasali o kaya may mga mas malakas na processors na sumama sa network, bibilis ang paghahanap ng solusyon. At dahil gusto ng network na kontrolado ang pag-isyu ng bitcoin at maging patas ang labanan, dapat humirap ang problema para mapanatiling 10 minuto ang tagal kung kailan magkakaroon ng bagong block. Kabaliktaran naman ang mangyayari sa pagsusuri kapag biglang nabawasan o humina ang processing power sa network: dadali ang problemang matematika. Ang pagsusuring ito ay nagaganap kada 2,016 na bloke, o dalawang linggo.
Ang galing ano? Hindi lang ang paglilinya ng mga bloke ang nagpapanatili ng seguridad sa transaksyon. Ang kontroladong bilis ng timestamp at ang insentibong kumita na nag-iimbita ng mga boluntaryo ay nagreresulta sa isang matatag na network. Para bang may sarili itong buhay. At ang tibok ng puso nito ay kada 10 minuto.
Blockchain: ang resulta ng Timestamp Server
Ang mga transaksyon sa Bitcoin ay inaayos sa anyo ng blockchain. Bawat bloke o block ay may kapasidad, at kung ano ang kasyang transaksyon dito ay sinasama ng mga nodes (mga computer na kasali sa network). Bawat bagong block na nabubuo, ay may koneksyon sa naunang block, parang kadena, kaya blockchain. Ang kadenang ito ng blocks at mga transaksyong laman ng bawat isang block ay bukas sa lahat at pwedeng silipin kahit kelan. Ito ang distributed ledger ng Bitcoin network.
Ang terminong blockchain ay hindi nanggaling sa bitcoin white paper. Ito ay ipinangalan ng iba. Ang deskripsyon ng mekanismo ay matatagpuan sa ikatlong (3) seksyon ng white paper: Timestamp Server. Inilarawan dito na ang timestamp ginagawa sa pamamagitan ng pag-hash ng mga nilalaman ng bloke at ng hash ng naunang block. Kaya bawat bloke ay may marka ng nauna rito. Sa bawat karagdagang timestamp, mas lalong tumitibay ang kaganapang mga transaksyon sa mga unang timestamp. Masasabing ang distributed ledger, na tinatawag na blockchain, ay ang timestamp server din. Time chain? May mga usap-usapan sa komunidad na mas naaangkop ang terminong iyon kesa blockchain. Subukan nating palawakin iyon sa susunod.
Siya nga pala, ang hash ay isang kasangkapan sa kriptograpiya. Pag-uusapan natin iyon sa hinaharap. (Kasalukuyan akong natatagalan sa pagsulat ng kabanatang iyon).
Ang network ng bitcoin ay nakadisenyo kung saan sa loob ng katampatan/average na 10 minuto, may nabubuong bagong bloke. Bakit kailangan pang kada 10 minuto? Dahil ito sa mahalagang sangkap ng bitcoin: proof-of-work. Dito mas mailalarawan ang block chain.
Oh wait, I see i in another client. Will delete the double post now.
My 2 recent posts are missing. Oh, Nostr #growingpain
🖖🏽
Decentralized na, peer-to-peer pa, distributed din
Kapag ang network ay tumatakbo nang walang pinagkakatiwalaang awtoridad (central authority), ito ay decentralized. Tumatakbo itong peer-to-peer kapag ang bawat computer na kasali sa network ay pantay-pantay (peers o magkapwa kumbaga). Parang sa botohan, pantay-pantay ang bigat ng boto ng bawat isa. Ang pagpasa-pasa ng impormasyon ng mga magkakalapit sa network, sa iba-ibang direksyon parang lambat, ay nagpapamalas ng distributed na kalakaran.
Alam mo ba ang BitTorrent? Popular ito noon. At aminin, maaring alam mo ito dahil sa mga piratang pelikula na pwedeng ma download. Kung nakagamit ka ng BitTorrent, naging parte ka na ng isang peer-to-peer na network.
Kung ang lahat ng konektado sa network ay Reference Client – kung saan ang bawat kompyuter ay kumpleto ang sangkap na tungkulin – magreresulta na ang Bitcoin Network ay talagang peer-to-peer at distributed. Lahat may tsansa makabuo ng block at makakuha ng premyong bitcoin. Lahat ay nagpapasahan ng impormasyon at may kapangyarihan tumanggap o tumanggi. Lahat ay may kopya ng pampublikong ledger – ang kasaysayan ng mga transaksyon sa anyo ng blockchain. Subalit hindi lahat ng kompyuter atbp. devices ay reference client. Hindi lahat ay nagiging ruta ng impormasyon, o kaya nagmimina. Kaya masasabing decentralized ang network.
Ang produksyon ng bagong block ang importanteng trabaho na nagbibigay ng insentibong bitcoin. Ito ay nakadisenyo na isang kompetisyon, kahit sino pwede manalo. At sa aspetong ito kung tutuusin, decentralized ang network, mapalahat o iilan lang ang sumasali sa produksyon. Sa isang banda, pag may resulta nang bloke, ito ay pinapakalat at magiging parte na ng blockchain. Sa kontextong ito, distributed ang network. Distributed ang pagkakaroon ng kumpleto o kahit bahagyang impormasyon. Sa transaksyon naman, peer-to-peer talaga ang bitcoin. Ito ay dahil ang dalawang partido lamang ang kelangan para magbayaran. At ang pagkakabilang sa distributed ledger na ang magpapatunay at magsisigurado ng kanilang transaksyon. Walang awtoridad na pwedeng bumawi nito.
Kontrol ng isa o ilan lamang – iyan ang iniiwasan ng Bitcoin. Ayan nga ang problema sa salapi ngayon. Ang dapat na pinagkakatiwalaang awtoridad ay hindi mapagkakatiwalaan. Maaari pang manghimasok sa transaksyon ng 2 partido. Hay, ito ay ibang usapan pa na lalaktawan muna natin.
Kaya ang bitcoin ay idinisenyo kung saan walang sinasanto. Ipinagpapalagay na kahit sino pwedeng gumawa ng mali. At ang intensyonal na paggawa ng mali ay mahirap at hindi praktikal, kaya mas mainam nang makisama nalang sa lahat.
Magandang tanong iyan! Iyan ay makakasama sa matagal ko nang binubuo na isang kabanata ukol sa kriptograpiya. Maibabahagi rin iyon, konting piga pa. 😂
Paano pa ba natin mapapabukas ang isip ng mga taong hindi pa nakikita ang halaga ng bitcoin? https://bitcoinbakamo.xyz
Bukas: 2 kontexto
Bukas para sa lahat ang Bitcoin. Hanggat walang pumipigil sa iyo, maaari mo itong gamitin, kahit nasan ka man sa mundo. Subalit sa paglaon, habang lumalawak ang network ng bitcoin at nagiging lehitimong karibal ng tradisyonal na salapi, may mga bansang nagbabawal na nito.
Bilang bagong salapi, ang pagiging bukas ay isa sa rebolusyonaryong katangian ng bitcoin. O sabihin nating, ibinabalik ng bitcoin ang nawalang katangian na ito ng pera. Walang pakialam ang bitcoin sa nasyonalidad mo. Walang bakuran, walang teritoryo itong kinikilala. Pwedeng maghanap ng pampigil ang ibang soberanya. Pero alam naman natin na ang Internet ay mahirap pigilan. Magpasa ako ng bitcoin sa katabi ko, o sa kakilala ko sa ibang bansa, ganun pa rin ang transaction fees na mababawas sa akin. Walang karagdagang bayad dahil sa mga cross-border at bank-to-bank na mga transaksyon.
Isa pang kontexto ng bukas, ay ang tinatawag na open source. Open source ay gamit sa mundo ng computer science at programming para sa mga proyektong hindi sinisikreto. Ito ay upang makapag-ambag ang sino mang gustong tumulong gawin, ayusin o pagandahin ang isang programa. Ang ‘source code’ ng bitcoin ay maaaring makita ng kahit sino. Pumunta ka lang sa GitHub, halimbawa.
Bilang open source na programa, mas mapapaigting ang seguridad ng bitcoin network dahil maraming nagtutulong-tulong para mapanatili ang operasyon nito.
Mahalagang katangian ng bitcoin ang dalawang kontexto na ito ng bukas. Bilang pera na katutubo ng internet (native internet money), dapat lang na ganito. Hindi masaya ang internet kundi dahil sa walang katapusang pagpapalit-palit ng ideya, hindi ba?


