Avatar
Bitcoin ba kamo?
832fb1fbf5288849bdb73c1eeff4a93aeeb45c3afe6966f9c4dca9090c4ab0b7
Intindihin natin ang bitcoin. (Let's understand bitcoin, in Filipino.) https://bitcoinbakamo.xyz

Walang pisikal na pinagmulan o pinagbasehan ang bitcoin bilang salapi. Ito ay nabuong impormasyon mula sa elektrisidad, na nagpatakbo ng mga computer na kasali sa pagpapanatili ng seguridad ng network. Ang ideyang ito ay pawang mahirap tanggapin ukol sa Bitcoin, na maaring maging hadlang sa pag-intindi nito.

Electronic na salapi, iyan ang Bitcoin. Hindi basta masabi lang na electronic ito ha. Yung karaniwan ngayon na gumagamit ng debit card, Internet banking, pero naka-angkla pa rin sa ideya na may pisikal na kaanyuan ang mga “pera” na nilalaman ng iyong account? Hindi lang ganun ang Bitcoin. Ito ay purong electronic. Sa susunod na kabanata ng aklat na binubuo sa website na ito, palalawakin natin ang diskusyon.

Kaya isa sa mga mahahalagang katanungan para maintindihan ang Bitcoin ay: Ano ba ang pera?

Gawin ko pag nakausad nang malayu-layo sa sariling Bitcoin na proyekto!

(English translation)

You may have heard of Bitcoin as a quick way to earn money. That's one of the first things I heard on the topic. Good thing I doubt the people who I heard say that. I will admit money pokes interest.

Good thing I already had a principle in investing in stocks. I'm not a day trader. That's why before I looked into how to have Bitcoin, I researched information about it first. Of course thanks to Google. I say research as though I went to a library! I watched more Youtube videos than read.

Not long after, I read the Bitcoin White Paper. I did not fully understand it, but in that moment, I thought Bitcoin is not just a simple trend or concept. And it is for the long haul, and that I shouldn't miss the opportunity.

(Testing)

Maaaring narinig mo ang Bitcoin bilang mabilisang paraan para kumita ng pera. Isa iyon sa mga bagay na narinig ko nung una. Buti nalang ako ay may duda sa mga taong napakinggan kong nagsabi noon. Aaminin kong nakakapukaw talaga ng interes ang pera.

Buti na lang rin ay may prinsipyo nako sa pamumuhunan sa stocks. Hindi ako day trader. Kaya bago ako nagtingin kung paano magkaroon ng Bitcoin, nagsaliksik muna ako ng mga impormasyon ukol dito. Syempre salamat sa Google. Kung makasabi naman ako ng saliksik akala mo nagpunta ng library! E mas marami nga akong pinanood na Youtube videos kesa binasa.

Di nagtagal eh nabasa ko ang Bitcoin White Paper. Hindi ko pa sya talaga naintindihan ng buo, subalit sa pagkakataong iyon, naisip kong hindi lang basta-basta ang Bitcoin. At ito ay pangmatagalan, kaya hindi ko dapat palagpasin ang pagkakataon.