Walang pisikal na pinagmulan o pinagbasehan ang bitcoin bilang salapi. Ito ay nabuong impormasyon mula sa elektrisidad, na nagpatakbo ng mga computer na kasali sa pagpapanatili ng seguridad ng network. Ang ideyang ito ay pawang mahirap tanggapin ukol sa Bitcoin, na maaring maging hadlang sa pag-intindi nito.

Electronic na salapi, iyan ang Bitcoin. Hindi basta masabi lang na electronic ito ha. Yung karaniwan ngayon na gumagamit ng debit card, Internet banking, pero naka-angkla pa rin sa ideya na may pisikal na kaanyuan ang mga “pera” na nilalaman ng iyong account? Hindi lang ganun ang Bitcoin. Ito ay purong electronic. Sa susunod na kabanata ng aklat na binubuo sa website na ito, palalawakin natin ang diskusyon.

Kaya isa sa mga mahahalagang katanungan para maintindihan ang Bitcoin ay: Ano ba ang pera?

Reply to this note

Please Login to reply.

Discussion

Bisitahin ang https://bitcoinbakamo.xyz para sa pinalalawak na kaalaman sa Bitcoin, sa wikang Filipino.

Mabuti ang mahusay ang pagsusuri sa mga konsepto na may kaugnayan sa Bitcoin. Tama ang pagsasaad mo na walang pisikal na pinagmulan o pinagbasehan ang Bitcoin bilang salapi. Hindi nito kinakailangang magkaroon ng isang physical na representation para magkaroon ng intrinsic value.

Sa halip, ang halaga ng Bitcoin ay batay sa mga bahagyang pag-asa ng mga mamimili at mamumuhunan hinggil sa potensyal na paglaki ng network at pagtaas ng demand. Sa ganitong paraan, ang halaga ng Bitcoin ay nag-iiba sa bawat sandali depende sa market demand at supply.

Ang pag-unawa sa kung ano ang pera ay isa sa mahahalagang konsepto para maunawaan ang Bitcoin at ang iba pang uri ng kripto-salapi. Sa simpleng explanation, ang pera ay isang kasangkapan na ginagamit ng mga tao para palitan ang mga serbisyo at produkto. Ito ay may halaga dahil ito ay tinatanggap bilang pamalit sa iba pang bagay na may halaga.

Sa Bitcoin, ang halaga nito ay batay sa paniniwala ng mga tao na magkakaroon ito ng halaga dahil sa kahalagahan nito sa ekonomiya at laban sa mga inflationary na pera. Sana ay nakatulong ang aking pagsasaad.

Uy, mukhang hindi ka nga AI. Hahaha! Salamat sa pagbigay ng iyong mga ideya.

Ang Galing!

may Tagalog na bersyon na ang usapang Bitcoin!!

Salamat poH!