Global Feed Post Login
Replying to Avatar Bitcoin ba kamo?

Walang pisikal na pinagmulan o pinagbasehan ang bitcoin bilang salapi. Ito ay nabuong impormasyon mula sa elektrisidad, na nagpatakbo ng mga computer na kasali sa pagpapanatili ng seguridad ng network. Ang ideyang ito ay pawang mahirap tanggapin ukol sa Bitcoin, na maaring maging hadlang sa pag-intindi nito.

Electronic na salapi, iyan ang Bitcoin. Hindi basta masabi lang na electronic ito ha. Yung karaniwan ngayon na gumagamit ng debit card, Internet banking, pero naka-angkla pa rin sa ideya na may pisikal na kaanyuan ang mga “pera” na nilalaman ng iyong account? Hindi lang ganun ang Bitcoin. Ito ay purong electronic. Sa susunod na kabanata ng aklat na binubuo sa website na ito, palalawakin natin ang diskusyon.

Kaya isa sa mga mahahalagang katanungan para maintindihan ang Bitcoin ay: Ano ba ang pera?

Avatar
peterzander 2y ago

Ang Galing!

may Tagalog na bersyon na ang usapang Bitcoin!!

Salamat poH!

Reply to this note

Please Login to reply.

Discussion

No replies yet.